Hiniling ni Senator Joel Villanueva na paigtingin pa ang edukasyon at impormasyon upang mapigilan ang pagpapakamatay sa harap ng tumataas na suicide rates sa bansa, lalo na sa kabataan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Youth, sinabi ng National Poison Management and Control Center (NPMCC) ng Philippine General Hospital na 46 porsiyento ng mga kaso ng suicide o pagpakamatay noong 2010 -- 30% dito ay nasa edad 20-35 taong gulang, habang 16% ay nasa 10-19 anyos.

“Education regarding mental health and suicide prevention must be intensified... We should also mandate schools to have suicide hotlines and the appropriate system to support this,” diin ni Villanueva.

Sa ulat ng World Health Organization (WHO) ang pagpapakamatay ang pangalawang sanhi ng kamatayan sa mga nasa edad 15-29 anyos sa buong mundo. May 2,558 suicide cases ang naitala sa Pilipinas noong 2012.
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'