uaap-copy

Kulelat noon, hindi na ngayon.

Marami ang pinahanga ng Adamson Falcons nang makausad sa Final Four ngayong season matapos mangulelat sa nakalipas na taon.

Buhat sa 3-11 pagtatapos noong Season 78, sa paggabay ng kanilang bagong coach na si Franz Pumaren, umangat ang Falcons bilang No.4 seed tagly ang 8-5 marka.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Bagama’t nagawang patiklupin ng nakalabang De La Salle ang kanilang bagwis sa pagtutuos nila sa Final Four round nitong Miyerkules,maituturing silang “over achievers” sa kanilang naitalang performance ngayong Season 79.

“It was a good run for us, and I guess we overachieved,” pahayag ni Pumaren kasunod ng natamong 64-69 kabiguan sa kamay ng Green Archers sa Mall of Asia Arena.“This was supposed to be a transition period, but we overachieved.”

“This tournament is an eye-opener for our maturity and experience, but we survived it,” aniya.

At matapos ang kanilang pagiging over-achiever sa taong ito, naniniwala si Pumaren na hindi imposible na matupad niya ang pangakong bigyan ng titulo ang Adamson sa susunod na season.

Marivic Awitan