direk-joyce-awra-vice-coco-at-onyok-copy-copy

NAGPAHAYAG ng saloobin si Bb. Joyce Bernal sa presscon ng The Super Parental Guardians tungkol sa hindi pagkakapili ng kanilang entry ng Metro Manila Film Festival 2016.

“Aware po ako sa naging desisyon nila. Actually po, nakaramdam na po ako na most likely hindi kami matatanggap, nakaramdam na po ako no’n. Kasi change has come, binago nila ‘yung submission, binago nila ‘yung execom, iba ‘yung… so, parang meron silang ‘pinaparating talaga, meron silang gustong sabihin, naramdam ko po ‘yon,” bungad ni Direk Joyce.

Naging jury member na si Direk Joyce ng MMFF ilang taon na ang nakalilipas at naiintindihan naman daw niya ang proseso ng pagpili sa Magic 8.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“When I was one of the jury nu’ng MMFF, para ikuwestyon ka, pinag-uusapan po ‘yon, gini-grade-dan namin ‘yon.We deliberate on it even before the grading mismo. So, merong proseso talagang sinusunod,” paliwanag niya.

“So, sa lahat po ng jury, selection committee, ‘nirerespeto ko po ‘yon. ‘Yung ginawa nila, trabaho lang. At kung anuman po ‘yung gusto nilang gawin, irerespeto ko pa rin po ‘yon this coming Metro Manila Film Festival.”

Kahit nasaktan siya sa nangyari, willing pa rin siyang sumali sa festival next year.

“Kung (gusto) pa rin nina Coco (Martin) at Vice (Ganda) next year na gumawa ulit ng pelikulang pang-filmfest, lalaban po kami next year. Hindi po (masama ang loob), sabi ko nga po, ‘nirerespeto ko sila,” malumanay niyang sabi.

(Ador Saluta)