Kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan sina dating Indang, Cavite Mayor Bienvenido Dimero at ang barangay chairman na si Roberto Aterrado kaugnay ng maanomalyang implementasyon ng isang water filtration plant.

Sa isang charge sheet laban kina Dimero at Aterrado, isinulat ni Assistant Special Prosecution III Anabelen Estrada-Ronquillo na kapwa guilty ang dalawa sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

Hulyo 2012 nang magsabwatan umano ang dalawa sa pagpabor sa PTK2 H2O Corporation sa pagpapahintulot dito na magtayo ng isang water filtration plant sa tuktok ng Ikloy River sa Barangay Kayquit II sa Indang.

Pinahintulutan umano nina Dimero at Aterrado ang pagpapatag, paghuhukay at paglalatag ng mga tubo ng tubig sa Indang, sa kabila ng hindi nakatupad ang mga ito sa mga patakaran ng munisipalidad sa pagpapalabas ng mga permit, lisensiya o clearance.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Iginiit ni Ronquillo na magpiyansa ang dalawa ng P30,000 bawat isa. (Czarina Nicole O. Ong)