DIRETSAHANG binanggit ng tatlong direktor ng matatapos nang seryeng Be My Lady nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na sina Direk Theodore Boborol, Don Cuaresma at Roderick Lindayag ang mga artistang hinihingan ng paumanhin.

Si RK Bagatsing ang kay Direk Don dahil nasampal niya ito sa isang eksena sa kagustuhan niyang mapaiyak ito, huh!

“Actually, eh, nagawa ko na rin naman ‘yan dati kay Jason Abalos at kay Alex Medina, so, he’s in good company. Hindi ko lang talaga maipasa ‘yung posibilidad na hindi siya lumutang du’n sa eksena. Kasi ‘yung eksena, eh, ‘yun ‘yung parang ayoko na hindi siya lumutang,” paliwanag ni Direk Don.

Hindi raw kasi makaiyak si RK kaya m-in-otivate niya. Pero bago pa raw niya mapaiyak dahil sa kabuwisitan ay sinampal-sampal na niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Reaksiyon ni RK, wala siyang dapat ikagalit kay Direk Don kundi dapat pa siyang magpasalamat.

Si Direk Ted naman ay nais humingi ng sorry sa isang talent ng serye na nakatikim ng mura sa kanya. Ang nasabing talent ay si Ali Forbes na ngayon ay nasa loob na ng Bahay ni Kuya.

“Supposedly talent siya na friend ng dating girlfriend ni Phil (Daniel Matsunaga) sa Singapore, and then, it was nighttime, naka-swimsuit na si Erich and all the cast, and ang hinihiling ko lang, mag-swim sila, ayaw niyang mag-swim.

“So, medyo sa microphone, nagalit ako. Nag-walk out siya and then as it turns out, mayroon pala siyang sakit. Hindi nasabi ng coordinator na may sakit pala siya. Sa akin, sa POV (point of view) ko, nag-iinarte. Kasi, beach resort ‘yung scene, ba’t ayaw mong lumangoy, ‘yung mga artista ko, nanlalamig na. Medyo na-expression ako ng mura, nag-walk out siya,” sey ni Direk Ted.

Kay Janice de Belen naman humingi ng sorry si Direk Roderick. Sa eksena raw kasi na umiiyak na si Janice ay si Erich Gonzales ang nai-close-up niya, huh!

“Nang si Janice na ang close-up, hindi na siya masyadong makaiyak, kaya nag-sorry ako sa kanya,” lahad pa ni Direk Roderick.

Wala naman daw problema kay Janice ‘yun dahil naiintindihan niya ang sitwasyon na kadalasan namang nangyayari ‘yun sa mga taping at shooting.

“Ganu’n talaga, natural lang ‘yun,” banggit ni Janice.

Samantala, magwawakas na ang Be My Lady ngayong Nov. 25 at nagpapasalamat ang lahat ng cast and staff sa televiewers dahil sa loob ng 11 months nilang pag-ere ay laging mataas ang kanilang rating.

By the way, ang tatlong nabanggit na director ang nagpasikat ng Tatlong Bibe. Wala lang. (JIMI ESCALA)