Nabigo si Filipino cue artist Jeffrey de Luna kontra kay Taiwanese Ko Pin-yi, 3-11, sa championshiop duel, sapat para sa ikalawang puwesto sa 49th All Japan 9-Ball Championship nitong Miyerkules sa Archaic hall sa Amagasaki-city, Hyogo, Japan.

Nakapasok si De Luna sa finals matapos makaungos kay Chang Yuan ng Taiwan, 11-7, sa semis cross-over format, habang nagwagi si Ko kontra kay Thorsten Hohmann sa Germany, 11-8.

"Masayang-masaya po ako nakapasok ako sa finals kasi walang tumimbang na Pinoy sa world event sa taong ito," sabi ni De Luna.

Nagpasalamat naman ang asawa ni Jeffrey sa nakamit na tagumpay ng kabiyak.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

"Humble yourself and always be grateful to God," aniya.

Kabilang sa mga tinalo ni De Luna sa torneo sina Toru Kuribayashi ng Japan, 11-6, sa Round-of-64, Ramil Gallego, 11-6, sa Round of-32, Warren Kiamco, 11-8, sa Round-of-16 at Dennis Orcollo, 11-6, sa Round of 8, ayon sa pagkakasunod.

Tinangap ni Ko ang $25,000 top purse habang nagkasya si De Luna sa $12,000 runner-up prize. (Angie Oredo)