MALINAW na ipinahihiwatig ng katagang “Ceboom”, nauso noong dekada 80” at 90”, kung bakit hinahamon ng Cebu ang “Imperial Manila.” Dahil sa bilis ng paglago ng ekonomiya ng Cebu, maaari nitong sapawan ang Maynila sa kalakalan o sa pulitika.

Nasa likod ng Ceboom sina dating Gov. Lito Osmeña at pinsan nitong si Cebu Mayor Tommy Osmeña. Sila ang dumiskarte para bumuhos ang foreign investment sa Cebu sa masalimuot na panahong kasunod ng pagpapatalsik kay Marcos.

Bahagi ng mga kaganapang ito ang pagdaloy ng puhunan at pag-usbong ng malaking negosyo sa Cebu na lalong pinakinang ng taguring “Magical Island in the Pacific” na kabaligtaran ng naaagnas na imahe ng Maynila. Bilang lagusan sa Katimugan, na madaling marating sa pamamagitan ng biyaheng panghimpapawirin, lupa at dagat, naging mahalagang sentro ito ng pamumuhunan, at pangunahing destinasyon ng mga turista.

Isa pang nakapag-ambag ng malaki sa pagsikat ng “Ceboom” ang mataas na pamantayan ng malalaking unibersidad sa Cebu na ang mga nagsipagtapos ay nagiging bahagi ng matibay na pundasyon para sa mga negosyo. Nais ni Cebu City Mayor Tommy Osmeña na paigtingin ang mga bentaheng ito sa pamamagitan ng isang programang ilulunsad niya na lilinang lalo sa kahusayan mga lokal na talento sa pamamahala.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Popondohan ng Cebu City government ang programa para sa mga magiging ekonomista, engineer, siyentista, accountant, at manager para sa mga ahensiya ng gobyerno at mga pribadong kumpanya. “Our home-grown talents can compete with the world’s best. It becomes a matter of providing them the right opportunities and vehicles to grow and prosper right in Cebu,” ani Mayor Osmeña.

Ang mga Cebu universities na ang mga graduate ay tuwinang nangunguna sa ”national board examinations” at nagiging matagumpay dito o sa ibang bansa man, ay may kakayahang lumikha ng lokal na puwersa ng magagaling na propesyunal at skilled worker para lumalagong negosyo at industriya ng lungsod.

Ang siyam na economic zone ng Cebu na business hub ng mga hotel, restaurant, mga pabahay, atbp, ay tahanan na ng higanteng... lupon ng mahuhusay na mga manggagawang ito. Dahil sa mga katangiang ito, kabilang tuwina ang Cebu sa “top local economies”. Ang export growth nito sa nakaraang limang taon, na may 20% average, ay mas mataas kaysa pambansang antas at sa ibang local economies.

Nakabase sa Cebu ang mahigit 80% ng interesting-island shipping capacity ng bansa. Lumalago ang GDP nito sa mahigit 10% at ang mga pangunahing negosyo nito ay kumikita ng may $3.6 billion taun-taon. (Johnny Dayang)