ITINUTURING ang antidepressant medication bilang pangunahing gamot sa depression, ngunit hindi ito nagiging epektibo sa mahigit kalahati ng mga Amerikano na gumagamit nito. Ngayon, nagmungkahi ng isang pamamaraan ang mga researcher para mas maging epektibo ang paggamit nito: sa pamamagitan ng breathing-based yoga.
Sa pilot study na inilathala ng Journal of Clinical Psychiatry, ibinunyag ng mga researcher kung paano nakatutulong ang walong linggong Sudarshan Kriya yoga sa sintomas ng anxiety at depression sa mga pasyente na nakararanas ng major depressive disorder (MDD), na hindi tinatablan ng antidepressants.
Madalas na nagiging unang solusyon ang antidepressants – tulad ng serotonin reuptake inhibitors (SSRIs) – kapag nagpapagamot ng MDD, ngunit hindi laging nagiging epektibo ang gamot sa pasyente.
Iminumungkahi ni Dr. Anup Sharma, neuropsychiatry research fellow sa Department of Psychiatry sa Perelman School of Medicine ng University of Pennsylvania at ng kanyang grupo na epektibo ang Sudarshan Kriya na mura at non-drug approach para matulungan ang mga pasyente, na hindi epektibo sa kanila ang antidepressant.
Ang Sudarshan Kriya ay meditation technique na nakatuon sa rhythmic breathing exercises, na layuning i-relax at ipahinga ang pag-iisip ng isang tao.
“Sudarshan Kriya yoga gives people an active method to experience a deep meditative state that’s easy to learn and incorporate in diverse settings,” saad ni Dr. Sharma. (Medical news today)