Paiinitin ng mga batang boksingero na naghahangad mapabilang sa national pool ang maaksiyong Philippine National Youth Games-Batang Pinoy National Championships bago pa man ang pormal na pagbubukas ng torneo sa Tagum City Sports and Tourism Center sa Davao Del Norte.

“We had to start early because of the overwhelming entries,”pahayag ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) Executive Director Ed Picson.

“Umaga pa lang siguro ay magsisimula na kami dahil baka hindi makatapos sa dami ng participants at maiwanan kami sa lahat ng mga paglalabanang sports,” aniya.

Sabak na ang mga batang boxer, isang raw bago ang opening ceremony sa Linggo kung saan imbitado ang Panguloing Duterte bilang guest speaker.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May kabuuang 24 na ginto, 24 na pilak at 96 tanso ang nakataya sa sports na boxing kung saan tanging mga mababang timbang lamang ang paglalabanan.

Agad na isasagawa kinaumagahan sa ikalawang araw ng torneo, Nobyembre 27, ang 17 pang sports bago ang tradisyunal na opening ceremony ganap na alas-3 ng hapon kung saan panauhin din si eight-division world boxing champion at Senador Manny Pacquiao.

Sisimulan ang eliminasyon ng archery, arnis, badminton, baseball, basketball 3-on-3, chess, cycling, judo, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis at volleyball na siyang may pinakamalaking bilang ng mga kalahok.

Ang medal rich na athletics ay sisimulan sa Nobyembre 28 kasama ang dancesports, triathlon, weightlifting at wrestling.

Kabuuang 24 na sports ang paglalabanan sa Tagum City habang ang dalawang sports na gagawin sa Maynila ay ang gymnastics at wushu. Isasagawa ang gymnastics sa Disyembre 4-11 sa Rizal Memorial Coliseum habang ang wushu ay gaganapin simula Disyembre 5-8 sa Multi-purpose arena sa Pasig. (Angie Oredo Angie Oredo)