Naharang ng mga inspektor ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang hinihinalang courier na nagtangkang magpuslit ng anim na babae na nagpanggap na mga turista.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, noong Nobyembre 18, hinarang nila ang hinihinalang courier at ang kanyang mga biktima sa NAIA terminal 2 bago tuluyang makasakay ang mga ito sa Philippine Airlines flight papuntang Hong Kong.

Sinabi ni Morente na inamin ng mga pasahero na ang kanilang destinasyon ay sa Dubai kung saan sila ay magtatrabaho bilang mga kasambahay.

Idinagdag pa ni Morente na una nang naharang ang iba pang biktima sa magkahiwalay na okasyon at natuklasan na walang kaukulang overseas employment certificate ang mga biktima.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We are again serving notice to our countrymen who wish to work abroad. Do not deal with illegal recruiters as they will only put you in harm’s way,” wika ni Morente.

Dahil dito, hinimok ng opisyal ang mga manggagawa na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na kumuha ng kaukulang exit permits mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang tamasahin ang ibinibigay na proteksiyon ng gobyerno at maging dokumentado habang nasa ibayong dagat. (Mina Navarro)