THANKSGIVING Day ng United States tuwing ikaapat na Huwebes ng Nobyembre. Ito ay selebrasyon at kapistahan ng pag-aani ng mga pamilya. Nagsama-sama ang mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan para ipahayag ang kanilang pasasalamat sa mga biyayang kanilang natanggap sa buong taon. May mga parada sa ilang lungsod at bayan bago sumapit o sa mismong Thanksgiving Day. Ito rin ang tanda ng pagsisimula ng Christmas shopping season. Ang ibang tao ay may apat na araw na weekend kaya naman kilala ang panahong ito para magbiyahe at bisitahin ang pamilya at mga kamag-anak o manood ng mga football game.

Madalas na itinatampok sa okasyon na ito ang espesyal na pagsasalu-salo sa turkey, cranberry sauce, gravy, pumpkin pie, at mga gulay. Turkey ang naging sentro ng bawat salu-salo tuwing Thanksgiving Day. Naging popular ito dahil noong unang panahon ay masasabing bibihira lamang itong maihain. Ngunit ngayon, naging abot-kaya na ang turkey, at nananatiling simbolo ng selebrasyon at kasaganaan.

May iba-ibang kuwento tungkol sa pinagmulan ng Thanksgiving Day. Ang isa ay mababakas pa noong unang bahagi ng 1600s nang nagsasama-sama ang mga naninirahan sa Massachusetts at Virginia para magpasalamat sa kanilang buhay, sa kasaganaan ng kanilang mga taniman, at para sa kanilang pananampalataya. Ang pinakakilalang kuwento tungkol sa kauna-unahang Thanksgiving Day ay ang sa Pilgrims sa Plymouth, Massachusetts, na nakisaya sa mamamayan ng Wampanoag people sa loob ng tatlong araw noong 1621. Noong 1789, nanawagan si President George Washington sa kanyang mga kababayan na kilalanin ang Diyos dahil para sa kanila “an opportunity peaceably to establish a form of government for their safety and happiness” sa pagdiriwang ng araw ng pasasalamat, sa paglalaan ng araw sa “public thanksgiving and prayer.” Naging taunang tradisyon na ito sa halos lahat ng komunidad sa US.

Noong 1863, naglabas si President Abraham Lincoln ng presidential proclamation na ginagawang national holiday ang Thanksgiving. Hiniling niya sa kanyang mga kababayan “to set apart and observe the last Thursday of November as a day of thanksgiving and praise…” Hanggang noong 1941, itinakda ng US Congress ang ikaapat na Huwebes ng Nobyembre bilang Thanksgiving Day, na nagtatag sa federal holiday.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Binabati natin ang mamamayan ng Amerika at ang kanilang Gobyerno, sa pangunguna ni President Barack Obama, sa kanilang pagdiriwang ng US Thanksgiving Day.