sunshine-copy

PINATABA si Sunshine Dizon para sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos at hindi siya mahihirapang umarteng mataba dahil dati siyang mataba.

Pumayat lang si Sunshine nang isapubliko ang paghihiwalay nila ng asawang si Timothy Tan at sumunod ang paglapit sa Belo Medical Group para papayatin siya.

Nagbiro nga si Sunshine na parang ibinase ng writers ng family drama ang istorya ng Ika-6 Na Utos dahil totoong nangyari sa kanya. Mula sa pagtaba, pagloloko ng asawa at pagkakaroon nito ng mistress ay nangyari sa kanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

Ang kaibihan lang, kung sa teleserye ay inaapi at inaalipusta siya ng kanyang in-laws, sa totoong buhay ay mabait sa kanya ang parents ng dating asawa. In fact, kahit hiwalay na sila ni Tim at hindi na sila nakatira ng mga anak sa bahay ng in-laws sa Guagua, Pampanga, dinadalaw pa rin niya ang mga ito. Hindi lang sila nagkikita ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nakatira ngayon.

Anyway, sa December 5 na ang pilot ng ika-6 Na Utos na pagtatambalan nila ni Gabby Concepcion sa direction ni Laurice Guillen.

Napatunayan naming tama ang sinabi ni Sunshine na magkaiba ang English at Tagalog version ng Ten Commandments of God at ang Ang Sampung Utos ng Diyos. Check for yourself para maniwala rin kayo. (Nitz Miralles)