speed-copy

PARA sa makabuluhang pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), dinalaw ng grupo ang Bahay at Yaman ni San Martin de Porres sa Bustos, Bulacan nitong ikalima ng Nobyembre.

Ang naturang bahay-ampunan ay kumakalinga sa mahigit isandaan at limampung inabandonang mga bata.

Pinangunahan ni SPEEd President Isah Red (The Standard) ang pagdadala ng kaligayahan sa mga kabataang residente na ang edad ay mula pito hanggang labing-walo.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Dala-dala ng grupo ang mga donasyong damit, tsinelas, libro, laruan, toiletries, gamot, pagkain at maiinom.

Sina SPEEd Secretary Ian Fariñas (People’s Tonight), at Assistant Secretary Gie Trillana (Malaya Business Insight) ang nag-coordinate sa surrogate mother at volunteer co-worker na si Myrna del Rosario para maisagawa ang event.

Sa tulong ng program coordinator na si Noel Vincent Ordiales, sina SPEEd members Dondon Sermino (Abante) at Rohn Romulo (People’s Balita) ang nag-host ng mga palaro.

Ang mga papremyo ay mula sa donasyon ng GMA Network Communications sa pamamagitan ni Angel Javier (candy bags and balloons), Liwayway Marketing Corp through Kacie Gotamco and Annie Ringor (Bread Pan and Choco Chugs) at Dr. Eric & Vina Yapjuangco of Icon Clinic through Chuck Gomez (toiletry kits).

Tumulong din sina Jerry Olea (Abante Tonight), Ervin Santiago (Bandera), Janice Navida (Bulgar, na nag-bake ng brownies para sa event), Maricris Nicasio (Hataw), Eugene Asis (People’s Journal), Salve Asis (Pilipino Star Ngayon/Pang-Masa), Tessa Arriola (The Manila Times) at Dinah Ventura (Daily Tribune) para mag-assist sa games at gift-giving. Sumama rin sa grupo si Chuck Gomez at si Sonny Espiritu bilang official photographer.

Karagdagang kasiyahan ang dulot ng photo at face-painting booths, courtesy ng ABS-CBN Corporate Communications group led by Kane Choa.

Nagbigay naman ang San Miguel Corporation through Jon Hernandez ng kahun-kahong Magnolia mineral water na pamatid-uhaw ng mga bata, at ang Unilab for Ritemed (through Claire Papa and Butch Raquel), ay nag-donate ng boxes of vitamins at mga gamot.

Sa compound ng Bahay at Yaman din matatagpuan ang napakagandang kapilya at ang charity school arm ng Angelicum.

Simula 2003, nag-aaral sa loob ng bakuran nito ang mga kabataang mula prep hanggang high school.

Ayon sa volunteer worker na si Adora Briones, para sa mga interesadong mag-share ng kanilang blessings lalo na ngayong Pasko, puwedeng mag-donate ng bath soap, shampoo, toothpaste, toothbrush, alcohol, laundry soap or detergent, condiments (cooking oil, soy sauce, vinegar, fish sauce, etc.), clothes, slippers and books.

Maaaring kontakin si Noel Ordiales sa 09212579375 o mag-log sa kanilang website www.stmartinproject.org.