Pumangibabaw sa kompetisyon si RJ Mea nang solong masungkit ang kampeonato sa nakaraang 6-stag derby ng 13th Leg ng 2016 UFCC Stagwars na ginanap sa makasaysayang La Loma Cockpit.

Nagtala ang DMM RJM Tiaong entry ni RJ ng limang panalo at isang tabla para makuha ang 5.5 puntos.

Ang panalo ni Mea ay nagtulak sa kanya sa unahan ng labanan para sa Stag Fighter ng Circuit Two na may kabuuang 23 puntos, kasunod ang kababayan sa Quezon na si Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) na may 18.5 puntos; Dorie Du (Mergie Davao) – 18 puntos; Arman Santos (Jade Red) 17 puntos at Nelso Uy/Dong Chung (Full Force).

Sa nakatakdang 14th Leg ng labanan bukas sa Ynares Sports Arena, ang bakbakan para sa 2016 UFCC Stag Fighter of the Year ay importante para kina Dorie Du at Aurelio (Mergie Davao) na may limang puntos na kalamangan sa sumusunod na entry ni Arman Santos (Jade Red) – 42 points.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pumapangatlo si Joey de los Santos (San Roque) na may 41.5 puntos; Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) sa ika-apat na may 41 puntos; Eric dela Rosa (Polomok) at Cong. Unabia/Fermie Medina (JM Fafafa) at Nelson Uy/Dong Chung (Full Force) sa ika-limang puwesto na may 40 puntos.

Babalik ang matinding bakbakan sa Ynares Sports Arena sa Nov 26 para sa 15th leg ng labanan.

Ang ikalawa sa huling yugto ay lilipat naman sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City sa Nov. 29 at ang pinakarurok ng kampeonato na 7-stag derby ay itinakda sa Ynares Sports Center sa December 3.

Samantala, wala nang makapipigil sa pinaguusapang 2017 World Pitmasters Cup na idaraos sa darating na January 15-21, 2017 sa Resorts World-Manila na may P15 Million guaranteed price, P88,000 entry fee at minimum bet na P33,000.

Pinangungunahan nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea ang prestihiyosong labanan na ito. Ang lahat ng kumpirmadong sasali at ang mga gusto pang sumali ay inaanyayahang dumalo sa isang “Getting-to-Know & Orientation Dinner” sa Passion Restaurant, Resorts World – Manila sa ganap na ika-anim ng gabi ng ika-30 ng Nobyembre.