Patay ang isang buntis at 10-anyos niyang anak makaraang hagisan ng granada ang kanilang bahay ng isang kaalitan ng kanilang pamilya sa Barangay Lusad, Burauen, Leyte, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Burauen Municipal Police, nasawi ang buntis na si Analyn Superale, 28; at 10-anyos niyang anak na si Kenneth Superale, kapwa taga-Bgy. Lusad, Burauen.

Naputulan naman ng kamay sa pagsabog ang padre de pamilyang si Michael Superale, isang construction worker.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na si Pascual Andres, na dali-daling tumakas makaraang hagisan umano ng granada ang bahay ng mga biktima.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na dating alitan ang posibleng motibo sa paghahagis ng granada. (Fer Taboy)