Inihayag ng hepe ng Land Transportation Office (LTO) na hinahanapan na nila ng paraan kung papaano reresolbahin ang backlogs sa lisensya at plaka ng sasakyan na ngayon ay umaabot na sa 8 milyon.
Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, nakikipag-ugnayan na sila sa ahensyang sakop ng Presidential Communications Office (PCO) para maumpisahan na ang pagpapalabas sa mga driver’s license at plaka.
Sinabi ni Galvante na sa plaka pa lang, umaabot na sa 5.4 milyon ang backlog, samantala 3 milyon naman sa driver’s license.
“We are continuing to negotiate with them so we can shorten the procurement. Since we have a regulation which allows us to skip some processes and procedures, that, of course are legal,” ani Galvante.
Sinabi rin ni Galvante na uumpisahan nila ang pagre-release ng lisensiya at car plates sa second quarter ng 2017.
Vanne Elaine P. Terrazola