MAGIGING busy sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo next year dahil bukod sa pelikula, may gagawin din silang fantaserye.
Pinamagatang La Luna Sangre ang fantaserye ng KathNiel na pang-primetime show mula sa Star Creatives Group.
Ipinakita ang unofficial teaser ng La Luna Sangre sa nakaraang trade launch ng ABS-CBN. Third instalment daw ito pagkatapos ng Lobo at Imortal . Vampire at wolf ang mga bida sa La Luna Sangre.