KAHIT marami ang nam-bash sa kanya nang i-tweet ang “I strongly stick to my statement before... marcos will always be a #THIEF #MURDERER #DICTATOR #marcosNotaHero,” hindi binabawi ni Enchong Dee ang paniniwalang ito.

Sa presscon ng Chinoy: Mano Po 7, pinanindigan ni Enchong ang paniniwalang ito kahit marami ang pumuna sa kanya.

Sinagot pa nga niya ang isang basher na nagsabing wala siyang karapatang magsalita na hindi hero si former President Ferdinand Marcos dahil hindi pa siya buhay noong World War II.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“So just because I was not born during the World War 2 does not mean it is not a fact?” sagot ni Enchong sa nambara sa kanya.

Dagdag pa niya, hindi siya bothered sa pamba-bash sa kanya kahit sinasabing baka maapektuhan ang trabaho niya.

“I’m first a Filipino and second lang ang pagiging artist ko. Priority ko ang pagiging Filipino.”

Samantala, fan ng Mano Po franchise si Enchong at pinapanood niya ito noong nasa probinsya pa siya, kaya malaking bagay sa kanya na mapasama sa Mano Po 7. Anak nina Richard Yap at Jean Garcia ang role niya at sa first day shooting niya, mabigat na eksena agad ang kinunan ni Direk Ian Loreños, ito ‘yung nag-aaway sila ng ama (Richard).

Sa December 14 na ang showing ng Chinoy: Mano Po 7 at may premiere night sa December 9 sa SM Megamall. Entry ng Regal Films sa 2016 ang movie pero hindi pinalad na mapili kaya ipalalabas nang maaga. (Nitz Miralles)