HININGAN namin ng reaksiyon si Richard Yap, lead actor ng Chinoy: Manoy Po 7, sa pagkakaitsa-puwera sa MMFF 2016 ng unang pelikula niya sa Regal Entertainment.
“Very disappointed kasi we were hoping na pumasok sana, but since nakita ko naman na lahat kami hindi pumasok (pati Vice Ganda/Coco Martin; Vic Sotto movies), okay lang,” simula ni Richard.
“Of course, nalulungkot kaming lahat na hindi nakasali do’n kasi we really did everything possible para maging worthy siya sa isang Metro Manila Film Festival entry. But we can’t do anything about it kasi ‘yun ang desisyon nila, so we just have to live with it and do our best by showing before the the MMFF para maging masaya pa rin ang mga tao kahit hindi na kami kasali sa festival.”
Nabanggit pa naman niya dati na excited siyang sumama sa Parade of the Stars, hindi pala matutuloy.
“Maghahanap kami (pamilya) ng pupuntahan kasi as of now wala kaming gagawin kasi nga wala naman kami sa MMFF, so baka we might stay here half of the holidays and half baka maghanap na lang kami ng puwedeng puntahan,” nakangiting sabi ng aktor.
Nainsulto ba siya sa sinabi ng selection committee ng MMFF na ibinase sa quality ng pelikula ang pagpili sa Magic 8?
“Of course, I think, it’s not the right word to say, maybe it’s different criteria, hindi siguro sa quality kasi hindi naman namin ginawa ito parang basta-basta na ginawa lang.
“I think we also put in as much quality as we can into this film, we did everything we can, ginastusan din ito nina Mother and Roselle (Monteverde-Teo) sa Regal para maging authentic lahat.
“We even went to Taiwan, so in terms of quality, I think hindi naman kami talo ro’n and I disagree,” punto de vista ni Richard.
Itinanong din namin ‘yung pagkakaroon niya ng crush noong kabataan niya kay Jean Garcia at kung lumalim ba ito sa ilang araw na pagsasama nila sa Taiwan at sa shooting, lalo na’t nabanggit din naman ng aktres na ipinagluluto nito ang buong cast at inilibre naman sila ng ng dinner ng Chinoy actor dahil siya raw ang pinakamayaman sa kanilang lahat.
“Ha-ha-ha, hindi naman. ‘Yung naging crush ko naging admiration kasi as we got to know each other. She’s a likeable person. We got to bond each other, parang naging magkaibigan lang kami,” tumatawang sabi ni Richard.
Sa Q and A ng presscon ng Mano Po 7, nabanggit niya na napanood niya sa pelikulang The Escort si Jean na may bathtub scene kasama si Derek Ramsay. Tinukso tuloy ang tsinitong aktor na sinusundan niya si Jean na napatanong kung totoo talagang pinanood niya ang movie. Kaya sa one-on-one, tinanong namin si Richard kung napanood nga ba talaga niya ang pelikula nina Lovi Poe, Derek, Christopher de Leon at Jean.
“Ha-ha-ha, wala ako dito nu’ng time na ipinalabas ‘yun. Sa trailer ko lang napanood kaya hindi ako nakasagot kanina sa tanong niya,” tumatawang kuwento ng aktor.
Tatanggap ba siya ng role na katulad ng ginawa nina Jean at Derek sa The Escort?
“Ay, hindi naman. Depende siguro at kung kailangan sa script,” biglang nagseryosong sabi ni Papa Chen.
Paano kung kailangan ng konting pa-sexy o mag-topless ang character niya, sino ang gusto niyang makasama?
“It doesn’t really matter kung sino,” kaswal niyang sagot.
’Yung papel ni Boyet na mayaman at nagbabayad ng babae, payag ba si Richard?
“Ewan ko lang, ‘tanong na lang sa manager ko kung papayagan ako, ha-ha-ha,” tumawa uling sabi ng aktor. “Maybe in time,” sabi pa. (Reggee Bonoan)