catriona-gray-copy-copy

UMALIS na ng Pilipinas ang Miss Philippines na si Catriona Elisa Gray kahapon para magtungo sa gaganaping 66th Miss World beauty pageant sa Washington D.C., sa Disyembre 20.

Sa kanyang send-off party sa Greenhills, San Juan, inihayag niya na excited na siyang makita ang mga Pilipino sa US partikular sa mga Pinoy na manonood sa kanya sa beauty contest.

“I’m very excited and I when I get there, I will hear them and that would be an amazing feeling. I just can’t imagine when I get there, I will be completely overwhelmed,” saad niya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ibinahagi rin niya ang kanyang pananabik na makita ang iba pang 118 kalahok na magtutunggali para maiuwi ang korona.

“They are very high caliber and very empowered women. I’m very excited to meet them all and learn from each one of them,” ani Gray, na nanalo rin ng Miss Manila Hotel special award nang kinoronahan bilang Miss World Philippines 2016 nitong Oktubre.

Bagamat maikli lamang ang kanyang preparasyon para sa longest-running pageant sa kasaysayan, sinabi ni Gray na handa na siya sa kompetisyon.

“It would have been nicer if I prepared longer. But it keeps me on my toes. I really pushed myself to give it all,” dagdag niya.

Bilang nag-iisang anak, nagtungo si Gray sa Berklee College of Music in Boston, Massachusetts nang mag-aral ng master certificate in music theory.

“As an only child, I’m very close with my parents. Not only are they my role models, they are my best friends. I’m blessed that they are so supportive of my every endeavor,” aniya. (ROBERT REQUINTINA)