Nasungkit ng Arellano University ang ikalawang sunod na panalo nang gapiin ang Emilio Aguinaldo College, 25-21, 25-22, 25-13, kahapon sa NCAA Season 92 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Nagposte ng tig-11 puntos sina Benrasid Latip at John Joseph Cabillan upang pamunuan ang Chiefs sa ikalawang sunod na panalo at makatabla sa mga namumunong San Beda College at University of Perpetual Help.

Nagpaulan ng 39 hit ang Chiefs kontra sa 22 ng Generals at hindi pinaporma ang huli sa mahigpit nilang floor defense matapos magposte ng 26 dig kumpara sa 11 lamang ng huli.

Bumagsak ang Generals sa 0-2.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Nauna rito, ginapi ng EAC Brigadiers ang Arellano Braves, 23-25, 27-25, 25-23, 14-25, 15-9.

Nagtala ng tig-15 puntos sina Emerson Rebusora at Ralph Pitogo upang pamunuan ang Brigadiers. (Marivic Awitan)