Ipagtatanggol ni WBA No. 7 super lightweight contender Czar Amonsot ng Pilipinas ang kanyang interim WBA Oceania junior welterweight title sa walang talong si WBC Asian Boxing Council Continental lightweight ruler Yutthapol Sudnongbua ng Thailand bukas (Nobyembre 25) sa The Melbourne Pavilion, Victoria, Australia.

Sa sagupaan masusubok kung maaari nang muling kumasa sa world title bout si Amonsot na huling natalo sa puntos kay Aussie Michael Katsidis noong 2007 sa kanilang laban para sa interim WBA lightweight title sa Las Vegas, Nevada.

Kasalukuyan ring WBA Pan African at PABA super lightweight champion, kung magwawagi si Amonsot ay aangat pa siya sa WBA rankings at maaari nang hamunin ang kampeong si Ricky Burns ng Great Britain.

Naging WBC ABC Continental ruler si Sudnongbua sa featherweight, super featherweight at lightweight divisions na nagkampeon muna sa Thai boxing bago sumabak sa professional boxing noong 2009 at kabilang sa mga Pilipinong nabiktima niya sa Thailand sina Christian Abila (UD 12) at Rick Paciones (KO 3).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May perpektong rekord si Sudnongbua na 23 panalo, 16 sa pamamagitan ng knockouts kumpara kay Amonsot na may kartadang 32-3-3, kabilangh ang 20 knockouts. (Gilbert Espeña)