Nobyembre 24, 1960 nang itala ng Philadelphia Warrior na si Wilton Norman “Wilt” Chamberlain ang bagong record na may pinakamaraming rebound sa National Basketball Association (NBA) laban sa Boston Celtics. Siya ay nakapagtala ng 55 rebound.

Madalas tawagin na “Wilt the Stilt” o “The Big Dipper,” si Chamberlain ay may taas na pitong talampakan at kinonsidera ng mga tagahanga at sportswriter bilang isa sa mga best offensive basketball player noong panahon niya.

Taong 1978, napasama si Chamberlain sa Basketball Hall of Fame; noong 1997, siya iniluklok sa NBA’s 50th Anniversary All-Star Team. At noong Oktubre 12, 1999, siya ay namatay sa edad na 63 dahil sa heart failure.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'