BAGUIO CITY – Tatlong drug personality ang naaresto nitong Martes sa Oplan Double Barrel Alpha ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera sa lungsod na ito.

Isinagawa ng mga tauhan ng City Anti-Illegal Drugs Unit (CAIDU) at Baguio City Police Office Stations 1, 7, at 9 ang buy-bust sa Km 4 Asin Road, Baguio City dakong 5:50 ng umaga nitong Martes.

Kinilala ni Senior Supt. Ramil Saculles, city director, ang unang naaresto na si Daniel Malapit Villanueva, 33, mekaniko, ng Upper West, Camp 7, matapos magbenta ng droga sa pulis na poseur buyer. Nakumpiska kay Villanueva ang dalawang plastic sachet na may hinihinalang shabu.

Makalipas ang ilang minuto, dinakip ng kaparehong mga operatiba sina Arturo Apolinario Bullo Jr., 43, mekaniko; at Wenniefred Sinot Alindogan, 40, sa kanilang bahay sa Km 4, Asin Road, matapos ang buy-bust.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Walong plastic sachet naman ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula kay Bullo.

Si Villanueva ay drug surrenderer sa Baguio habang sa La Union naman sumuko si Bullo, na nasa drug watchlist din ng Baguio Police. (Rizaldy Comanda)