Mas nadaragdagan ang sakit na dinaranas ng mga biktima ng Maguindanao massacre, dahil sa mabagal na hustisya.

“The wheels of justice in our country are snail pace and that contributes more pain to the victims,” ayon kay Bishop-elect ng Ozamis na si Martin Jumoad.

Sinabi ni Jumoad na nakakalungkot dahil pitong taon na ang nakakaraan, mailap pa rin ang hustisya para sa mga biktima.

“Their souls continue to cry for justice,” ayon kay Jumoad.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Noong Nobyembre 23, 2009, 58 katao, kabilang ang 32 kagawad ng media ang napatay sa masaker. Karamihan sa mga nililitis na suspek ay galing sa angkan ng Ampatuan sa Maguindanao at kanilang mga tagasunod.

“Hope the judge may render decision now,” ayon kay Jumoad.

Samantala kanta at hindi martsa ang gagawin ng kasapian ng National Press Club (NPC) sa paggunita sa ikapitong anibersaryo ng masaker.

“The NPC decided to hold a concert instead mainly to give a chance to the new administration of Pres. Rodrigo Duterte to prove its commitment to give justice to all fallen journalists during its term, particularly those who fall victims to the guns of the Ampatuan clan in Maguindanao seven years ago,” ayon kay NPC president Paul Gutierrez.

Ang kikitain sa concert ay ipapamahagi umano sa mga kaanak ng mga biktima ng masaker.

Ang konsiyerto para sa katarungan ay lalahukan ng mga mamamahayag at gaganapin sa NPC grounds sa Maynila.

(Leonel M. Abasola at Leslie Ann G. Aquino)