Inirekomenda ng mga gobyernong kasapi ng ASEAN, manggagawa at employer, ang pagpapatibay sa social protection para sa mas mahusay na paghahanda sa mga kalamidad.
Ang proteksyon panlipunan ay isang mahalagang bahagi sa paghahanda sa kalamidad, ayon sa mga eksperto na nagtitipon sa International Labour Organization-Association of Southeast Asian Nations (ILO-ASEAN) seminar na ginaganap sa Manila mula Nobyembre 22 hanggang 24.
Katuwang sa tatlong araw na Seminar ang Department of Labor and Employment (DoLE), ILO Country Office sa Pilipinas, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at National Reduction Disaster Risk and Management (NDRRMC).
Tinatalakay dito ang mga pamamaraan at hakbang para sa mas mahusay na ugnayan sa panlipunan proteksyon sa disaster management. (Mina Navarro)