SEOUL, South Korea (AP) – Nagiging kakatwa na ang political scandal na bumabalot kay South Korean President Park Geun-hye at ngayon ay pinagpapaliwanag ang kanyang opisina sa pagbili ng daan-daang erectile dysfunction pills.

Kinumpirma ng opisina ni Park nitong Miyerkules ang ibinunyag ng isang mambabatas ng oposisyon na bumili ito ng 360 Viagra pills at generic version ng droga noong Disyembre.

Sumiklab ang galit sa Internet dahil sa ulat, ngunit sinabi ng opisina ni Park na binili ang mga pildora upang lunasan ang altitude sickness ng presidential aides at mga empleyado na kasama sa biyahe ni Park noong Mayo sa Ethiopia, Uganda at Kenya, na ang kabisera ay nasa 1 hanggang 2 kilometro above sea level. Ayon dito, hindi rin nagamit ang mga pildora.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'