Napatay ang isang amain makaraang makipagduwelo ng karitan sa kanyang anak-anakan sa Barangay Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Namatay habang ginagamot sa ospital si Carlito Bumatay, 60, habang nadakip naman ng pulisya ang sugatang suspek na si Willy Lorenzo, 28, kapwa taga-Bgy. Baretbet.

Batay sa imbestigasyon, kapwa armado ng karit nang magduwelo ang dalawa makaraang sitahin ni Bumatay si Lorenzo sa pagdadabog matapos na umuwi nang lasing. (Fer Taboy)

Probinsya

DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng isang student-athlete mula sa Ilocos Norte