maine-panaf-trophy-copy

PINAG-ISIPAN din munang mabuti ni Maine Mendoza ang invitation sa kanya para maging keynote speaker ng katatapos na The 7th PANAF Youth Congress na ginanap sa The Elements Centris in Diliman, Quezon City na may temang “Success Re-defined”.

Iba-iba ang topics of discussion at si Maine ang nagsalita tungkol sa pagiging newbie pa lamang niya sa showbiz.

Inamin ni Maine na hindi niya alam kung paano sisimulan ang kanyang speech na pinagpuyatan niyang sulatin.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Kaya nag-decide siyang i-share sa audience kung sino siya at kung paano siya nakapasok sa entertainment industry at narating ang kinalalagyan ngayon. 

Hindi na lihim kung ano ang istorya niya at kung paano siya napadpad sa showbiz, pero ang tanong niya sa sarili, “Bakit ako, bakit ako narito, hindi naman ako ganoon kaganda, wala akong alam sa showbiz,” at ikinuwento niya kung paano siya nag-audition sa Eat Bulaga.

Tiyak na nawala ang nerbiyos ni Maine dahil nagtatawanan at pumapalakpak ang audience sa kuwento niya.

Pero ang isa sa magagandang katanungin ni Maine, bakit siya narito sa kinalalagyan niya ngayon?

“Nang marami nang nakikipag-usap sa amin ni Alden (Richards) na mga maysakit, na gumagaling sila sa sakit nila, na napapasaya namin sila sa pagpanood nila sa amin, mga fans abroad, lalo na ang ating mga OFWs na nababawasan daw ang pagka-homesick sa family nila rito, sa panonood nila sa amin, doon ko na-realize na iyon pala ang dahilan kung bakit ako narito. 

“Na nakapagbibigay kami ng inspirasyon sa kanila, na napagagaling namin ang sakit nila sa ibang pamamaraan, sa pamamagitan ng pagpanood nila sa amin, nasagot na kung bakit ako narito. Narito ako para magpasaya sa inyo!”

Sinalubong ito ng masigabong palakpakan at pagkatapos ay iniabot kay Maine ang plaque of appreciation mula sa PANAF.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang mga blessings na dumarating kay Maine, sa pamamagitan ng mga endorsements, na halos lahat yata ay muling nag-renew, isa na rito ang CDO Funtastik Young Pork Tocino, kaya labis-labis ang pasasalamat niya sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kanya.

Samantala, sa Biyernes, November 25, sila ni Alden ang special guests sa 21st anniversary ng Bubble Gang. Inihahanda na rin ng GMA-7 ang first teleserye nila na mapapanood na early 2017. At may early showing na ang movie ni Bossing Vic Sotto na Enteng Kabisote 10: The Abangers, na may special participation ang AlDub. (NORA CALDERON)