Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) La Union at Pangasinan Provincial Police si Ronnie Dayan, ang dating drayber at boyfriend ni Senator Leila de Lima na inaakusahang kumolekta ng milyones mula sa mga drug lord sa New Bilibid Prisons (NBP).

Si Dayan ay naaresto sa Sitio Turod, Guinguinabang, San Juan, La Union, bago magtanghali kahapon, may ilang linggo matapos ipalabas ng Kamara ang arrest warrant laban sa kanya.

Nag-ugat ang arrest warrant sa hindi pagsipot ni Dayan sa imbestigasyon ng House Committee on Justice.

Magsabi ka ng totoo---Aguirre

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naniniwala naman si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ngayong hawak na ng mga awtoridad si Dayan, mas malilinawan na ang ilang aspeto na may kinalaman sa kalakaran ng ilegal na droga sa NBP.

“His capture will tie up the loose ends and supply the missing links in the cases before the DoJ,” ayon kay Aguirre.

Pagkakataon na rin umano ito para malinis ni Dayan ang kanyang pangalan.

Dahil dito, umapela si Aguirre kay Dayan na magsabi ng buong katotohanan kaugnay sa kanyang mga nalalaman.

Dayan sa Kamara

Nais naman ng Kamara na hingin ang kustodiya kay Dayan, kasabay ng planong muling buksan ang kanilang imbestigasyon sa ilegal na droga sa NBP.

“He will be brought to the house of Representatives. I have instructed the SAA (sergeant-at-arms) Gen. Detabale to prepare his place of confinement, in coordination with the PNP (Philippine National Police),” ayon kay Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Ihaharap muna si Dayan kay Speaker Pantaleon Alvarez bago tumestigo sa justice panel.

Sa kabila ng plano, sinabi naman ni Leyte Rep. Vicente Veloso, vice chairman ng komite, na hihilingin niyang ilagay sa kustodya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Dayan.

Lumabas sana ang katotohanan

Ikinagalak naman ng Malacañang ang pagkakaaresto kay Dayan.

“We welcome the arrest of Mr. Ronnie Dayan. We hope that Mr. Dayan’s arrest would lead to the uncovering of truth in the proliferation of drugs in Bilibid and for the guilty to be punished,” ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Marie Banaag.

“We owe this to the future generation of Filipinos to have a drug-free society,” dagdag pa niya.