Nagsisimula nang magdatingan sa Tagum City ang delegasyon ng iba’t ibang Local Government Units (LGU’s) para makapaghanda sa pagsikad ng 2016 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy sa lalawigan ng Davao Del Norte.

Inoorganisa ng Philippine Sports Commission, nakatakda ang torneo para sa kabataang Pinoy na may edad 17-pababa sa Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2. Sa talaan ng PSC, may kabuuang 11.044 -- 6,265 lalaki at 4,779 babae – atleta ang nakapagpatala para sumabak sa 26 sports na paglalabanan.

Mayroon naman 2,289 coaches at 441 delegation officials para sa kabuuang 13,774 kalahok habang nakataya ang 1,238 ginto, 1,237 pilak at 1,613 tansong medalya sa limang araw na torneo.

Umabot sa 274 LGU’s kabilang ang 92 sa Luzon, 53 sa Visayas at 129 sa Mindanao.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagtungo na rin kahapon ang technical delegation ng PSC upang ihanda ang mga pasilidad, competition venue, billeting, accommodation at transportation pati na rin ang paglalagay ng mga gagaminting aparato ng bawat sports.

Sinabi ni PSC Commissioner at Batang Pinoy In-charge Celia Kiram na ilan sa naunang dumating na delegasyon ay mula sa Mindanao LGU’s habang inaasahang darating bago magsimula ang torneo sa Disyembre 26 ang overall champion na Baguio City at title contender Quezon City.

Upang masiguro ang kaligtasan at siguridad ng mga kalahok ay idineklara ng City of Tagum at Province of Davao Del Norte na walang pasok sa lahat ng mga eskuwelahan at specia holiday ang limang araw na pagsasagawa ng mga kompetisyon.

Ang Wushu at Gymnastics ay isasagawa naman sa Maynila. Gaganapin ang Gymnastics simula Disyembre 4 hanggang 11 habang ang Wushu ay magsisimula sa Disyembre 5 hanggang 8. (Angie Oredo)