Napanatili ng Centro Escolar University, La Salle Zobel at Chiang Kai Shek College ang kani-kanilang titulo matapos manaig sa best-of-three finals sa 47th WNCAA basketball tournament nitong weekend sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakamit ng CEU ang ika-6 na sunod na seniors crown makaraang padapain ang Philippine Women’s University, 82-42.
Ginapi ng DLSZ ang St. Paul College Pasig, 58-45, para makopo ang ikapitong sunod na titulo sa midget division habang pinataob ng CKSC ang DLSZ, 68-40, para makumpleto ang target na back-to-back juniors crown.
Sa volleyball tournament, inangkin ng DLSZ ang dalawa pang championships habang nagwagi rin ang San Beda College Alabang sa seniors.
Tinalo ng DLSZ ang St. Scholastica’s College, 25-14, 25-18, para sa titulo ng midget class, habang nanaig sng kanilang juniors crew kontra CKSC, 25-12, 25-14, 25-19 at iginupo naman ng SBCA ang CEU, 25-23, 25-20, 25-27.
Nagkampeon naman ang DLSZ sa junior futsal habang ang PWU naman ang nag- uwi ng senior title. (Marivic Awitan)