pauleen-at-vic_nitz-mainer-copy

NA-FORSEE kaya ng execom at selection committee ng 2016 MMFF ang hakbang ng Star Cinema, M-Zet Films at Regal Films na mas maagang ipalabas ang kani-kanilang pelikula na hindi napabilang sa official entries ng film festival?

Ikinasa na ang playdates ng The Super Parental Guardians ng Star Cinema sa November 30; Ang Enteng Kabisote10 and the Abangers sa December 7 at ang Chinoy: Mano Po 7 sa December 14.

Magmimistula na may sariling filmfest ang big studios.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

In-announce na ang showing ng Star Cinema movie at ang Regal Films sa mga petsang nabanggit. May magkasunod na silang presscon kahapon kaya malalaman natin ang iba’t iba pang detalye sa showing ng pelikula.

Wala pang formal announcement sa showing ng Enteng Kabisote10, pero nag-post si Pauleen Luna sa Instagram ng “Coming Soon.” Kasunod na nga nito ang balitang sa Dec. 7 ikakasa nina Vic ang showing ng kanyang pelikula.

Samantala, napanood namin ang trailer ng The Super Parental Guardians at natawa kami sa mga eksena nina Vice Ganda at Awra Briguela. Ibang Coco Martin din ang mapapanood sa pelikula na magsisilbing maagang pamasko ng Star Cinema.

Wala pang balita kung kailan ipalalabas ang iba pang pelikulang hindi napasama sa official entries gaya ng Mang Kepweng ni Vhong Navarro, Tatlong Bibe, Extra Service, at iba pa. (NITZ MIRALLES)