Nobyembre 22, 1906 nang maratipikahan ang “SOS” bilang international code sa paghingi ng saklolo, sa International Radio Telegraphic Convention sa Berlin, Germany.

Napagkasunduan ng mga delegado na dumalo sa kumperensiya ang code, na pinaniniwalaan ng karamihan bilang pagpapaiksi sa “Save Our Ship” o “Save Our Soul”. Sa katotohanan, walang ibig sabihin ang SOS; binuo lamang ito para mapasimple ang Morse code signal tuwing may emergency.

Napagtibay ang SOS noong 1908. Noong 1927, kasunod ng pagpapaunlad ng teknolohiya sa komunikasyon sa radyo, inihayag ng International Radio Convention na ang salitang “Mayday”, mula sa salitang French na “M’aidez” na nangangahulugang “tulungan mo ako”, ay katumbas ng code na SOS.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya