Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang ‘no-fish zone’ ang Scarborough o Panatag Shoal.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ipinarating na ng Pangulo kay Chinese President Xi Jinping ang plano, sa kanilang pag-uusap sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Lima, Peru.

Idedeklarang marine sanctuary ang lawa sa loob ng Panatag Shoal, at ang ideya ay pinaboran naman umano ni Xi.

Ang nasabing bahagi ay lugar kung saan maliliit pa ang mga isda kaya mahigpit ang pagbabawal sa mga mangingisda na pumasok sa loob ng triangle.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Itinakda sa susunod na mga linggo ang pagpupulong para sa paggawa ng draft ng executive order na magdedeklara sa Scarborough lagoon area bilang marine sanctuary.

Samantala pwede pa ring makapaglayag sa labas ng Shoal ang mga mangingisda ng Pilipinas at China. (Beth Camia)