Sinalubong ng maagang aberya ang Lunes ng mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Sa inilabas na abiso ng Department of Transportation (DoTr), dakong 9:28 ng umaga nang magkaroon ng technical problem ang isa sa mga tren ng MRT sa northbound ng Magallanes Station kaya pinababa ang mga pasahero.

Kaagad rin naman silang napasakay sa kasunod na tren nang maibalik sa normal ang operasyon makalipas ang dalawang minuto. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Boom Labrusca tungkol sa informal settlers: Alisin sa ilog, sa mga gilid-gilid ng dagat, tanggalin lahat!