Magtatayo ng LGBT help and protection desks sa lahat ng himpilan ng Philippine National Police (PNP) upang tulungan ang mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual at transgender) laban sa diskriminasyon.

Nagkasundo ang House Committee on Public Order and Safety at ang National Police Commission (Napolcom) na magtatag na lamang ng protection desks sa mga police station sa halip na magpasa pa ng bagong batas ang Kongreso.

Nabuo ang kasunduan sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Rep. Romeo V. Acop (2ndDistrict, Antipolo) sa House Bill 2952 na inakda ni Rep. Vilma Santos-Recto (6th District, Batangas).

Layunin ng panukala na wakasan ang lahat ng uri ng diskriminasyon at karahasan laban sa LGBT. Magtutulungan si Santos-Recto at ang Napolcom sa pagbabalangkas ng resolusyon o memorandum order para sa paglikha ng LGBT help and protection desks. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'