Sumandig ang San Sebastian College sa kanilang balanseng opensa upang makamit ang ikalawang sunod na panalo kahapon para makasalo sa lliferato ng women’s division ng NCAA Season 92 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Winalis ng Lady Stags ang Mapua Lady Cardinals, 25-13, 25-17, 25-13, para pumatas sa reigning champion at finals tormentor sa nakaraang season na College of St.Benilde at San Beda College sa pamumuno.

Namuno para sa Lady Stags na nagposte ng kabuuang 44 na hits kumpara sa 17 lamang ng Lady Cardinals si Kat Villegas na may siyam na puntos.

Kumubra si Nikka Dalisay nang walong puntos at tumipa ng pitong puntos si reigning back-to-back MVP Grethcel Soltones.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nagtapos namang topscorer para sa Mapua si Katrina Racelis na nagtala ng walong puntos.

Nauna rito, sumalo naman sa liderato ng men’s division ang Mapua matapos maigupo ang San Sebastian, 25-19, 23-25, 25-22, 25-21.

Umiskor si Angelino Pertierra ng 15 hit at dalawang block upang pamunuan ang panalo ng Cardinals.

Nanguna naman para sa Stags na bumagsak sa ikalawang dikit nilang pagkabigo si Jahir Ebrahim na may 13 puntos.

(Marivic Awitan)