Binabalaan ang publiko laban sa pag-inom ng mga imported na gamot sa sakit ng tiyan na hindi rehistrado at hindi rin nasuri ng Food and Drugs Administration (FDA).

Sa Advisory 2016-136, pinag-iingat ng FDA ang publiko laban sa pag-inom ng Jinling Bao Ji Pills na galing China at inangkat ng Jin Ling Enterprises sa Maynila. Ang tableta ay sinasabing gamot sa iba’t ibang sakit sa tiyan kabilang ang diarrhea.

Nakasaad naman sa Advisory 2016-135-A na hindi rin rehistrado ang ‘Wei Kien Ting Stomacure Capsule,’ na gawa ng Tionghing Pokein Pharmaceutical Co., Ltd. China, at gamot rin sa mga karamdaman sa tiyan.

Diin ni FDA director general Nela Charade Puno, maaaring makasama sa kalusugan ng publiko ang mga gamot na ito.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

(Mary Ann Santiago)