direk-jun-paolo-at-direk-perci-copy

KUNG may mga natulala man sa mga pelikulang napili bilang eight official entries sa Metro Manila Film Festival sa December, marami rin ang natuwa nang ang pinakaunang binasa ay ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros na dinirehe ni Jun Lana. 

Dream-come true para kay Paolo, dahil ito lamang ang naging wish niya nang manalo siyang Best Actor sa katatapos na Tokyo International Film Festival, na mapanood ng mga kababayan niya ang pelikula na talagang pinaghirapan niya.

Nakausap namin sina Direk Jun at Direk Perci Intalan at natanong kung anong character ni Paolo ang irarampa sa Parade of Stars sa December 23 -- si Angelina Jolie ba o si Julia Roberts?

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

“Hindi na siguro, kasi kaawa-awa naman si Paolo, ang init-init sa parade,” sagot ni Direk Jun. “Saka may isang entry, ang Sunday Beauty Queens at siguradong ang ipakikita nila sa parade ang mga beauty queens.”

“May ipinangako lang kami ni Jun kapag nakapasok sa top eight ang Die Beautiful, sabi naman ni Direk Perci, “sa premiere night ng movie, kaming dalawa ang magmu-mujer (magsusuot ng damit-pambabae) at tutuparin namin ang pangakong iyon.”

Nagpasalamat sina Direk Jun at Direk Perci sa bumubuo ng screening committee ng MMFF 2016 sa pagkakapili sa kanilang pelikula. Nakakatuwa na nag-trending sa social media ang pagbati kay Paolo sa pagkakapasok ng kanyang pelikula.

Ang MMFF 2016 ay magsisimula sa December 25 at magtatapos sa January 7, 2017. Gaganapin ang awards night sa January 8. Sa mga nagtatanong kung kasama ba si Paolo sa nomination sa best actor award, yes, kasama siya dahil sa abroad naman ito unang ipinalabas at hindi dito sa ating bansa. (NORA CALDERON)