Pormal nang naisilbi sa Senado ang kopya ng subpoena para kay Senador Leila de Lima, kaugnay ng apat na reklamong inihain laban sa kanya dahil sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).
Bukod kay De Lima, tinangka ring isilbi ang subpoena sa dalawa pang respondent na sina Lyn Sagum, na staff ni De Lima noong siya ay kalihim pa ng Department of Justice (DoJ), at ang isa ay para kay Jose Adrian Dera, alyas Jad De Vera, na umano’y pamangkin ni De Lima.
Pero tanging ang subpoena lamang para kay De Lima ang opisyal na tinanggap sa Senado.
Hindi raw kasi nag-oopisina sina Lyn at De Vera sa Senado kaya hindi tinanggap ang subpoena para sa dalawa.
Ang unang araw ng pagdinig ay gagawin sa Disyembre 2, ganap na 1:00 ng hapon. (Beth Camia)