LIMA, Peru (AP) – Tinapos ng mga lider ng 21 bansa sa Asia-Pacific ang kanilang taunang summit nitong Linggo sa panawagan na labanan ang protectionism sa gitna ng umiigting na pagdududa sa free-trade o malayang kalakalan.

Nagsara ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa isang joint pledge na magpupursige tungo sa bago at mas malawak na free trade agreement na isasama ang lahat ng 21 miyembro bilang daan tungo sa “sustainable, balanced and inclusive growth,’’ sa kabila ng politika.

“We reaffirm our commitment to keep our markets open and to fight against all forms of protectionism,’’ sinabi ng mga lider ng mga bansa sa APEC sa isang joint statement.

Idiniin ng APEC na ang “rising skepticism over trade’’ sa gitna ng hindi pantay na pagbangon sa krisis pinasyal at sinabi na “the benefits of trade and open markets need to be communicated to the wider public more effectively, emphasizing how trade promotes innovation, employment and higher living standards.’’

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nagsalita sa mga mamamahayag sa pagtatapos ng summit, sinabi ni Peruvian President Pedro Pablo Kuczynski na ang pangunahing hadlang sa mga kasunduan sa malayang kalakalan sa Asia at sa buong mundo ay ang pagkadismaya ng mga napag-iiwanan sa globalization.

“Protectionism in reality is a reflection of tough economic conditions,’’ sabi ni Kuczynski, ang punong-abala ng pagpupulong.

Inihalimbawa niya ang pagboto ng Britain na kumalas sa European Union at ang panalo ni Donald Trump sa US elections, sinabi niya na ang mga resultang ito ay nagbibigay-diin sa backlash laban sa globalization sa dating industrial regions sa US at Britain na taliwas sa suporta sa kalalakalan sa mayayamang lungsod at mga umuunlad na bansa.

“This is an important point in recent economic history because of the outcome of various elections in very important countries that have reflected an anti-trade, anti-openness feeling,’’ aniya.

Ito ang huling international summit ni U.S. President Barack Obama at inaasahang isusulong niya ang Trans-Pacific Partnership pact, ang 12-nation trade deal.

Ngunit ang statement na inilabas sa pagtatapos ng summit ay nagsasabing magpupursige rin ang organisasyon tungo sa pagpapatibay sa mas malawak na 21-nation pact na pinaboran ng China, o mas kilalabilang Free Trade Area of the Asia Pacific.

Nakasaad din sa APEC statement na tatalima ang mga miyembro sa carbon reduction goals na itinakda sa Paris Agreement upang malabanan ang climate change, na banta sa food security.