Hiniling kahapon sa Supreme Court (SC) na ipag-utos ang paghuhukay sa bangkay ni dating Pangulong Ferdinand E. Macos, dahil hindi pa pinal ang desisyon ng korte na nagbibigay daan para ihimlay ang dating strongman sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Sa mosyon, sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman, isa sa mga petitioner sa pitong kasong dinismis ng SC, na makatwiran ang paghuhukay sa labi ni Marcos.

“The exhumation is also to effectively censure and discipline the public respondents and the Marcoses for their contumacious disrespect against the Honorable Supreme Court and its processes, even as the premature and surreptitious burial revealed in bold relief the despicable chicanery of the Marcoses which is an affront against the Filipino nation and the Honorable Supreme Court itself,” saad sa mosyon ni Lagman.

Suriin ang bangkay

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iminungkahi rin ni Lagman na suriin ang labi, kung ito nga ay kay Marcos.

“Verily, the controversial majority decision of the Supreme Court directed the burial of the ‘mortal remains’ of the late dictator Marcos in the Libingan ng mga Bayani. However, with the inordinate haste and stealthy circumstances which shrouded the interment, there is no certainty as to what was actually buried in the LNMB,” ayon pa kay Lagman.

Contempt sa mga nagpalibing kay Marcos

Dumulog din sa SC ang martial law at human rights victims upang ipa-contempt ang pamilya Marcos at military officials na nagpalibing sa dating strongman sa LNMB.

Iprinotesta ng petitioners ang libing dahil hindi pa umano pinal ang desisyon ng SC noong Nobyembre 8.

Respondents sa petisyon sina Rear Admiral Ernesto Enriquez, Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs; Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, General Ricardo Visaya; Defense Secretary Delfin Lorenzana, at pamilya Marcos na kinabibilangan nina Ilocos Norte Representative Imelda Marcos, Imee, Bongbong at Irene.

Sa petisyon, sinabi nina dating Bayan Muna Representatives Neri Colmenares at Satur Ocampo na ang libing ay labag sa proseso, lalo na’t may 15 araw pa para iapela ang desisyon ng SC.

“The hasty, shady and tricky Marcos burial or interment at the LMNB violates doctrines of law that are not only clearly established in the Philippine legal system but are also so elementary. In doing so, the respondents could not have but acted in evident bad faith and contempt of this Court’s jurisdiction,” ayon sa petisyon.

Malaking protesta

Samantala tuluy-tuloy ang protesta laban sa libing, kung saan ang pinakamalaki ay isasagawa sa Nobyembre 25, na pangungunahan ng human rights, youth at student organizations.

Sentro ng kilos-protesta ang Rizal Park, ngunit isasagawa rin ang kahalintulad na rally sa iba’t ibang panig ng bansa.

“The youth are not ignorant of the crimes of the Marcos dictatorship from massive corruption to human rights abuses.

We hold President (Rodrigo) Duterte accountable for allowing the hero’s burial of a villainous figure in Philippine history,” ayon kay Anakbayan national secretary general Einstein Recedes.

Smile, wave lang — PNP chief

“Smile, wave at maging masaya.” Ito naman ang payo ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa pulisya na itatalaga sa rally sa Nobyembre 25.

Sinabi ni Dela Rosa na ang mga pulis ay dapat magtiis sa sakit, sakaling mahampas ng placard habang nasa kasagsagan ng rally. (REY G. PANALIGAN, CHITO A. CHAVEZ at FER TABOY)