Nagpasya na lamang lumahok sa ibang torneo sina Asia’s first Grandmaster Eugene Torre at GM Rogelio Antonio matapos mabigong ma-isyuhan ng visa ng Czech Republic.
Hindi nakahabol sa deadline ang dalawang premyadong chess master para sa pagsabak sa 26th World Senior Chess Championships (50+ and 65+ Open-men and women) sa Marianske Lazne, West Bohemia, Czech Republic.
Nagpabalik-balik ang 65-anyos na si Torres, ngunit hindi rin siya nabigyan ng visa sa takdang oras, habang na-deny si Antonio na makakuha ng visa sa embahada ng Czechoslovakia sa Makati City.
“We are very sorry for what happened to Joey,” tanging nasambit kahapon ni National Chess Federation of the Philippines executive director GM Jayzon Gonzales, sa hindi pagkakaloob sa player ng embahada ng naturang bansa sa Makati City.
Sina Torre at Antonio ang ipinadala ng chess association para katawanin ang bansa sa pretihiyosong torneo.
“Sa dinami-dami nang narating kong mga bansa, hindi naman ako nagtatagal. Pagkatapus na pagkatapos ng kumpetisyon balik na agad ako ng Pilipinas. Anong gagawin ko doon, tutunganga,” pahayag ni Antonio. (Angie Oredo)