Nobyembre 21, 1877 nang ihayag ng Amerikanong inventor at negosyante na si Thomas Alva Edison ang unang matagumpay niyang imbensiyon, isang sound recording at playing device: ang phonograph.

Habang tinutuklas kung paanong maire-record ang usapan sa telepono sa kanyang laboratoryo sa Menlo Park, New Jersey, nag-eksperimento si Edison gamit ang stylus sa tinfoil cylinder, at ini-record niya ang “Mary Had a Little Lamb”.

Nasorpresa si Edison nang marinig na inulit ng kanyang “talking machine” ang maikling awitin. Sa pagsasapubliko sa nasabing imbensiyon ay nakilala sa mundo si Edison bilang “Wizard of Menlo Park.”

Ang terminong phonograph, na nangangahulugang “sound writing”, ay nagmula sa salitang Griyego na phonē, na ang ibig sabihin ay tunog o boses, at graphē o pagsulat.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya