psc-copy

Idineklarang ‘special holiday’ ng pamahalaang panglunsod ng Tagum City sa Davao del Norte ang buong linggo para sa gaganaping Batang Pinoy National Finals sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 3.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Dr. Celia Kiram upang magamit ng lungsod ang lahat ng kinakailangang resources at logistics para sa matagumpay na pagdaraos ng pinakamalaking event sa lalawigan.

May kabuuang 14,000, kabilang ang 11,044 atleta ang makikilahok sa torneo na gagamiting sentro ng pundasyon para sa itatayong Philippine Sports Institute (PSI).

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“The host province makes sure that billeting for the athletes are ready and safe. Idineklara nilang special holiday ang buong duration ng Batang Pinoy so magagamit din natin ang mga eskwelahan para sa billeting ng mga atleta,” pahayag ni Kiram.

Sentro rin ng paghahanda ang seguridad bilang paniniguro sakaling matuloy ang Pangulong Duterte na makiisa sa pagdiriwang.

“Wala pang definite sa pagdating ni Presidente, pero ginamit na pattern yung APEC security protocol sa Davao City para masiguro in case na matuloy ang Pangulong Duterte,” sambit ni PSC executive assistant at area coordinator Ronnel Abrenica.

“Ang sure na sure eh! Si Senador Manny Pacquiao ang key note speaker natin. Invitation were also sent to House Speaker Pantaleon Alvarez and other top government officials,” aniya.

Iginiit ni Abrenica na handa rin ang Davao City para sa mga nagnanais na manuluyan sa mga hotel sa lungsod.

“Yung gustong mag-stay sa Davao City okey lang. Proper arrangement are taking place and besides 15 to 20 minutes lang naman ang layo sa venue kaya hindi naman mahirap sa transportation,” pahayag ni Abrenica.

Patuloy din ang coordination ng PSI, sa pangangasiwa si sports director Marc Velasco, sa mga lokal na lider at Local Government Units (LGU) para sa planong satellite training center ng PSI. (Edwin Rollon)