Sumusunod na sa batas ang motorcycle riders, matapos silang puwersahing gamitin ang motorcycle lanes, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni Celine Pialago, MMDA spokesperson, wala ring naitalang seryosong aksidente sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA), C5 Road, Diosdado Macapagal Avenue at Commonwealth.

“Many of the riders are now observing the rules and regulations concerning them. I believe that our information dissemination has been successful,” ani Pialago sa radyong DZBB.

Sa unang linggo ng implementasyon ng istriktong paggamit sa motorcycle lanes, sinabi naman ni Bong Nebrija, MMDA supervising operations officer, na umabot sa 345 riders ang nahuli ng MMDA dahil sa iba’t ibang uri ng paglabag.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Kabilang sa mga paglabag ang hindi paggamit ng helmet, long pants, sapatos, walang signal lights at side mirrors.

“More than implementing the law, we want to educate the riders for their safety,” ayon kay Nebrija, na nagsabing sa 265 vehicular accidents araw-araw, 30 dito ay kinabibilangan ng motorcycle riders. (Anna Liza Villas-Alavaren)