Nanalangin ang mga lider ng Simbahang Katolika na manaig pa rin ang pag-ibig at pagmamahalan sa sambayanang Pilipino sa gitna ng pagkakahati ng bayan sa biglaan at palihim na paglilibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Health Care, ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ipinagdarasal niya na maghari ang Diyos sa puso ng bawat Pilipino upang mapawi ang silakbo ng emosyon at maiwasan ang paghihiganti sa kapwa.

“Oh my Jesus, our Lord and King. You are our hope. Please help us from this moment of division and confusion. Heal us from hurts and make us whole again. Rule our hearts, and pacify our emotions. Hold our hands, and spare us from hurting one another with deeds and words. Reign over us, and lead us to renounce violence,” anang Obispo, sa panayam Radio Veritas.

Ipinagdarasal rin niya na manaig ang katotohanan at katarungan at matanggap ng mga Pilipino ang awa

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

at habag ng Diyos.

“May we seek your truth and work for justice. May we be contrite with our sins and make reparations for our wrongdoings. Grant us your mercy that we may forgive and ask for forgiveness,” aniya pa.

Hiniling naman ni Radio Veritas President Father Anton CT Pascual ang paghilom sa puso ng mga Pinoy.

“Let the soul of the country move forward. Lets bury the dead in peace. The wise forgives but will never forget,” ayon kay Pascual. (MARY ANN SANTIAGO)