ILANG artista, TV executives, at filmmakers ang nakausap namin na nagsasabing malabong makuha ng Metro Manila Development Authority ang target na P1.5 billion na target revenue ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Naniniwala sila na hindi magiging kasing lakas ng mga naunang MMFF ang magaganap ngayong taon.

Pabor sila sa magandang layunin ng screening committee na pawang quality films ang ihain sa publiko simula Disyembre 25, ang kaso ay hindi dudumog ang mga bata sa mga sinehan tulad ng nakaugalian na tuwing Pasko. Ang mga bata ang dahilan kung bakit kumikita nang husto ang mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto taun-taon, idagdag pa sina Coco Martin at Vhong Navarro.

“Hindi ako bias, Reggee,” simula ng TV exec na nakausap namin, “pero aminin natin na itong mga batang ito, kapag sila ang nanoood, kasama nila ang magulang nila o mga kapatid o yaya. So doon pa lang, ilang ulo na ang babayaran?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Eh, ngayon, ano’ng panonoorin ng mga bata? Kilala ba nila o may alam ba sila sa Saving Sally? Kilala ba ng mga bata sina Rhian Ramos, Enzo Pineda, et cetera? Maski pa animation pa ‘yun. Siguro maa-appreciate iyon ng teenagers, hindi ng edad sampu pababa.

“Not for anything else, sabi pa ng screening committee, pambata rin daw ‘yung Vince, Kath and James. Hello, it’s all about romance.”

“Ako, bilang filmmaker,” sey naman ng direktor na hiningan namin ng opinyon, “masaya at natutuwa ako kasi napakaganda ng mga napiling pelikulang kalahok ngayong Metro Manila Film Festival, siyempre kaibigan ko ang karamihan sa mga direktor.

“Pero ‘yung sinasabing target nilang P1.5B revenue, parang malabong ma-hit nga ‘yun, opinyon ko lang, ha? Kasi nga tama naman ang sinabi ng iba na walang pambata sa mga napili, at ang bata, hindi naman nila iniintindi kung ano ang quality films sa hindi, ang gusto nila, matatawa sila kasi mababaw ang kaligayahan nila.

“Totoo rin naman na it’s about time to educate these kids to quality films, pero lahat ba ng kasaling pelikula ay GP or general patronage? Hindi naman, di ba, dahil may socio-political drama, ‘yung Oro, hindi rin pambata ‘yun. Isa lang yata ‘yung pambata ro’n.” 

Ang pahayag naman ng artistang kinausap namin, “Okay lang ako kasi mga kasamahan ko sa industriya lahat ang mga pumasok na pelikula, it’s their time to shine. Hindi ‘yung puro na lang ‘yung mga dati. Give chance to others talaga.

Ito ‘yung punto ni Mae(Paner) na two weeks lang naman ang hinihingi ng Metro Manila Film Festival, ibigay na natin.

Kasi sa ordinary run, flop naman ‘yung mga pelikula ng mga hindi gaanong sikat na artista. Minsan nga sikat na sumesemplang pa rin, eh, di lalo na ‘yung hindi kilala. Pero ‘yung P1.5B, malabong makuha.”

Pero sabi nga ng screening committee, kapag nai-promote nang husto ang walong pelikulang kasali sa MMFF ay baka naman malampasan ang itinalang record noong nakaraang taon na P1.2B.

Samantala, naririto ang short films at directors na napili para ipalabas sa MMFF.

 

1. Birds - Christian Paulo Lat

2. EJK - Bor Ocampo

3. Manila Screen - Roque Lee at Blair Camilo

4. Mga Bitoon sa Siyudad - Jarell Serencio

5. Mitatang - Argin Jezer Gagui

6. Momo - Avid Liongoren

7. Passage of Life - Renz Vincemark Cruz

8. Sitsiritsit - Brian Spencer Reyes

 

Samantala, inihayag ng marketing manager ng MMFF na si Ms. Maloli Espinosa-Supnet na magkakaroon ng online voting para sa MY MMFF Favorite Films na ilalabas ang resulta sa Enero 8.

 Ang mapapanalunan ay 25 Fujifilm Instax Cameras, 9 Hisense 32’ Flat Screen TVs, 10 Technomarine Watches at 3 Suzuki C

iaz.

 

Puwedeng mag-log on sawww.mmff.com/MyMMFFFavorite2016.