DCIM100GOPROGOPR7972.

MASAYA ang cast ng Be My Lady sa kanilang finale presscon nitong nakaraang Biyernes sa Le Reve Events Place at ganito raw talaga kasaya ang naging bonding nila sa loob ng sampung buwan.

Mataas ang ratings ng Be My Ladykahit sa umaga ito napapanood. Sa katunayan, umaabot sila ng 21% kaya nagtagal sila sa ere ng ten moths.

“In my four years as BUH (business unit head), Annaliza, Pasion de Amor and this one (Be My Lady), ‘yun ang 3 long shows ko,” kuwento sa amin niRuel S. Bayani.  

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Ito (Be My Lady) lang kasi kaya very special kasi, ‘yung drama, madaling pahabain. Pero ‘pag light drama, mahirap pahabain, so para makatagal ng ten months itong level ng success, ang hirap nu’n.

“Kasi kung ako lang, wala namang nangyayaring (ganap), three-months three-months lang (dapat ang programa).”

Kung ganoon, bakit kailangang tapusin na ang Be My Lady gayong puwede pa itong pahabain at mataas pa rin ang ratings.

“Kasi ang problema rin, last quarter, meron kaming mga shows na pamalit, meron kaming ilo-launch sa January,

kailangan naming i-traffic ‘yun. Meron kaming tatlong shows na iba’t ibang timeslots, so kailangan naming i-traffic na, otherwise magiging sabay-sabay na,” paliwanag sa amin ni Direk Ruel.

Programa rin ng RSB unit ang ipapalit sa timeslot na babakantehin ng Be My Lady, ang Langit at Lupa na pagbibidahan nina Yesha Camile, Xia Vigor, Jason Abalos, Yam Concepcion at Patrick Garcia mula sa direksiyon nina Carlo Artillaga atMyla Ajero-Gaite.

Satisfied din si Direk Ruel sa ratings at magandang feedback ng Magpahanggang Wakas nina Jericho Rosales at Arci Muñoz.

“Ang primetime talaga, challenging ‘yan, kaya kung ano ang nakikita nila sa figures, ‘yun na ‘yun. Kami sa national, sa kabila naman sa Metro, it’s really like that. Natanggap na namin ‘yung ganu’n, ang mahalaga, we always making sure na ‘yung mapapanood ng mga tao ay maganda, kaya proud ako sa Magpahanggang Wakas,” paliwanag ni RSB.

Okay ba sa kanya ang acting ni Arci na marami ang nagsasabing walang improvement at sexy star pa rin ang tingin ng tao rito?

“Ganito kasi ‘yun, kung ikukumpara mo kay Echo, eh, masyado namang malayo at kabagu-bago lang niya. Pero ito, gugulatin kayo ni Arci sa part na naka-foucs na sa kanya ‘yung kuwento, eh kasi ngayon pa lang siya lumalaban kay John (Estrada), dati hindi, eh.

“Minsan kasi ang problema sa kuwento, may timing na hinihintay, so dati hindi pa siya makalaban, ngayon lalabas pa lang ‘yung fierceness niya, kung baga,” paliwanag pa ng TV executive.

Going back, To Be My Lady, kaabang-abang daw ang nalalapit na pagtatapos nito sa Nobyembre 25 dahil gugulatin ang lahat. (REGGEE BONOAN)